Thursday, May 18, 2006

Mga Sagisag ng Ating Bansa

  1. Asignatura: MAKABAYAN1
  2. Sanggunian:
    1. Sa Aklat- Pilipinas Bayan Ko, Bayan Mo. Ruben M. Milambiling, pp89-100
    2. URL sa internet-http://www.ac.wwu.edu/~fasawwu/resources/symbols/symbols.htm
    3. http://www.tagaloglang.com/learn/symbols.htm
  3. Paksang Aralin : MGA SAGISAG NG ATING BANSA
  4. Layunin
    1. Masabi at matukoy ng mga bata ang mga pambansang sagisag n gating bansa.
    2. Maisa-isa ang simbolo at katangian ng mga sumasagisag sa ating bansa.
    3. Maipakita ang pagpapahalaga sa pagkilala sa Pambansang Sagisag n gating bansa bilang mga Pilipino.
  5. Balik-Aral

Konsepto: Pambansang Sagisag ng ating bansa

Ang Pambansang sagisag ay dapat nating ipagmalaki. Nakikilala an gating bayan dahil sa kanyang mga sagisag.

Igalang at ingatn ang mga pambansang sagisag.

  1. Mga Pagpapaliwanag

Nakikilala ang Pilipinas dahil sa kanyang natatanging sagisag

MGA PANGUNAHING SAGISAG NG ATING BANSA

`Ang Watawat

Ito ang watawat ng Pilipinas. Hugis parihaba. Sa kanyang kaliwa ay may tatsulok. Sa bawat sulok ay may bituin na sumasagisag sa tatlong malalaking pulo sa Pilipinas-Luzon, Visayas at Mindanao. Ang sinag ng araw ay sumasagisag saw along lalalwigang unang naghimagsik laban sa mga Espanyol. Ito ay ang mga sumusunod: Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Maynila, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Ang ating watawat ay may tatlong kulay. Ang bawat kulay ay may kahulugan. Ang kahulugan ng bughaw ay kapayapaan; ang pula ay katapangan at ang puti ay kalinisan.

Lupang Hinirang-ang titik nlito ay isinulat ni Jose Palma at nilapatan ng tugtog o musika ni Julian Felipe. Maipapakita natin ang paggalang sa watawat sa pamamagitan ng pag-awit ng ating pambansang awit.http://en.wikipedia.org/wiki/Lupang_Hinirang

Sampaguita- pambansang bulaklak. Sumisimbulo mh maputing budhi ng mga Pilipino

Anahaw- pambansang dahon, pamaypay sa tag-araw.

Narra- pambansang puno, matatag at matibay, siyang gamit sa paggawa ng bahay.

Bangus- pambansang isda; isdang kayputi niluluto sa kawali.

Baro’t saya- pambansang kasuotan ng Pilipinang tunay.

Barong Tagalog- yari sa pinya, kasuotang pambansa ng mga lalaking kaaya-aya.

Kalabaw- katulong ng magsasaka sa twina.

Filipino- pambansang wika ng Pilipinong totoo.

Mangga- matamis kung dilaw masarap din kung hilaw.

Sipa- pambansang laro na kinhihiligan ng aking kalaro.

Bahay-Kubo-malamig manirahan, pambansang bahay lahat ay masayang nananahan.

Dr. Jose P. Rizal- pambansang bayani dahil sa kanyang katapangan sa pamamagitan ng

pagsulat.

Agila-pambansang ibong kaybili dahil malalapad ang bagwis.


  1. Mga Pagsasanay

G.1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod sa ating watawat. Pagtapatin ang hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

1. tatlong bituin a. kapayapaan

2. sinag ng araw b. pag-asa

3. puti c. Luzon, Visayas, Mindanao

4. pula d. katapangan

5. bughaw e. ang walong lalawigang unang

naghimagsik sa mga Espanyol

f. kalinisan

G.2. Isulat sa patlang ang mga Pambansang sagisag.

1. Pambansang Isda- ____________________

2. Pambansang Ibon- ___________________

3. Pambansang Puno- ____________________

4. Pambansang Bayani- ___________________

5. Pambansang Bahay- ___________________
H. Pagsusulit
http://prongo.com/quizstation/testquiz/


1 Comments:

Blogger grs10181730 said...

r

2:41 AM  

Post a Comment

<< Home